Paano mo nais maging hari? Mainam na hintayin ka ng mga tao sa paligid sa iyong iuutos. Ikaw ay may pananagutan sa buhay ng maraming tao. Marami kang mahihirap na pagpapasya at kakailangin mong malaman nang eksakto kung ano ang dapat mong gawin.
​
Ito ang sitwasyon na natagpuan ni Solomon sa kaniyang sarili. Namatay ang kanyang ama na si Haring David at ngayon si Solomon ay nakaupo sa trono bilang hari ng Israel. Si Solomon ay isang binata pa lamang ngunit ngayon marami syang pananagutan at malalaking desisyon na dapat gawin. Ano ang gagawin niya? Gusto niya talagang gawin ang tamang bagay.
Isang gabi, nagsalita ang Diyos kay Solomon sa isang panaginip. Sinabi niya, “Solomon, nais kong bigyan ka ng isang hiling. Anong gusto mo? Ano ang hihilingin mo?” Narito ang mga ilang bagay na sinabi ng mga mag-aaral na iyong ka-edad – isang apat na gulong, isang tuta, isang bisikleta. Ang mga bagay na ito ay maganda ngunit hindi magtatagal.
​
Maaari ring hiningi ni Solomon ang magagandang bagay tulad ng mahabang buhay, maraming pera o katanyagan. Sa halip hiningi niya ang isang bagay na nakalulugod sa Diyos. Dahil alam ni Solomon na mahirap na trabaho ang maging isang hari at hindi niya alam kung ano ang gagawin, kaya hiniling niya sa Diyos na bigyan siya ng karunungan upang pamahalaan ng maayos ang mga tao sa Israel.
Sinabi ng Diyos, “dahil gumawa ka ng napakagandang pagpipilian, binibigyan kita ng isang maunawain na puso, ikaw ay magiging mas matalino kaysa sa sinumang nauna sa iyo at kahit sino pa man na nabubuhay pagkatapos mo. Bibigyan din kita ng kayamanan at katanyagan at kung susundin mo ang aking mga utos, bibigyan din kita ng mahabang buhay.”
​
Binigyan ng Diyos si Solomon ng karunungan na hiniling niya. Marming tao ang lumapit kay Solomon na may mga mahihirap na suliranin. Gayun pa man, mayroon siyang karunungan upang malutas ang lahat. Sumulat siya ng higit sa tatlong libong karunungan na kasabihan na tinawag na mga kawikaan. Sumulat din siya ng higit sa isang libong mga kanta/awit. Ang mga hari at reyna na nagmula sa malayo ay humingi ng payo sa kanya. Nag-aral din siya ng maraming mga bagay tulad ng mga halaman, puno, at hayop at isinulat niya kung ano ang matututunan niya tungkol sa mga ito.
Mula sa mga pag-aaral na ito ay napansin ni Solomon na apat na nilalang ay napakarunong. Sinulat niya ang tungkol sa bawat isa sa mga nilalang na ito sa aklat ng mga kawikaan na mahahanap mo sa Bibliya.
Una, sinabi niya na ang LANGGAM ay napakarunong. Ang Diyos ay gumawa ng maraming langgam, hindi ba? Nakita mo na ba ang isang langgan na nakaupo lang? Hindi, dahil palagi silang abala. Ginawa ng Diyos ang mga langgam na napakabilis at napakalakas ng kanilang sukat. Inilagay din niya sa loob ng mga ito ang pagnanais na palaging magtrabaho at maghanda para sa hinaharap o kinabukasan.
Maari nating malaman na maging matalino sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa ng mga langgam. Ginawa tayo ng Diyos na magtrabaho tulad ng ginawa niya sa mga langgam. Ginawa rin niya tayong maglingkod sa iba. Hindi tama para sa atin na maging tamad at hindi tumulong sa paligid ng bahay, sa paaralan, o sa ating kapitbahayan. Mayroong palaging trabaho na dapat gawin.
Sinulat ni Solomon na matalino ang KUNEHO. Habang ang kuneho ay walang matalim na ngipin o mga kuko upang lumaban, alam niya kung paano manatiling ligtas sa kanyang kalaban, ang agila. Kapag ang agila ay nakakita ng isang kuneho sa lupa, ang agila ay pumupunta sa matarik na bahagi upang dagitin at kainin ang kuneho. Ang kuneho ay hindi sinubukang lumaban sa agila. Sa halip, ginagamit niya ang kanyang pinakamahusay na depensa at mabilis siyang pumapasok sa malalim na butas ng bato (bahay). Ang agila ay walang paraan o magawa para makapasok doon.
Ang kuneho ay nagpapakita sa atin kung paano tayo kikilos kapag si Satanas, ang ating kaaway, ay nais na lapain tayo at paiwasin tayo sa paggawa ng nais ng Diyos na gawin natin. Nais ni Satanas na sumuway tayo kay Hesus at gawin ang mga maling bagay at pagbigyan ang kasalanan. Si Hesus ay tinawag na bato sa Bibliya at ating kanlungan. Nangangahulugan ito na kapag tinukso tayo na gumawa ng maling bagay, ligtas tayong tumakbo sa Kanya para sa proteksyon at tulong sa pamamagitan ng pagdarasal at paniniwala na eksakto tayong tinutulungan tulad ng pangako niya. Malalaman mo ang mga pangakong naisulat sa Bibliya.
Sinabi rin sa amin ni Solomon na ang TIPAKLONG (tinatawag din na mga balang)ay matalino dahil nagtutulungan silang gumawa ng isang malaking trabaho… tulad nang pagkain ng pananim sa kabukiran. Maniwala ka man o hindi, maari rin tayong matuto ng isang mahalagang aral mula sa mga tipaklong.
Kung hiniling mo kay Hesus na patawarin ang iyong kasalanan, tinatawag kang isang Kristiyano at bahagi ng pamilya ng Diyos. Nais ng Diyos na makipagtulungan ka sa ibang mga Kristiyano upang magawa ang Kaniyang gawain dito sa mundo. Ano ang gawaing ito? Ito ay pagtutulungan upang sabihin sa ibang tao ang tungkol kay Hesus upang malaman nila kung paano mapapatawad ang kanilang mga kasalanan at malaman kung paano makakarating sa langit. Ito ay isang malaking gawain subalit maari tayong magtulungan upang maisagawa ito!
Sa katapusan nagsulat si Solomon tungkol sa GAGAMBA. Sinabi ni Solomon na maraming mga tao ang sumubok na pumasok sa kaniyang palasyo, ngunit kailangan muna nila ang kaniyang pahintulot na gawin ito. Hindi ganoon ang gagamba. Ang gagamba ay hindi inanyayahan sa palasyo, ngunit matapang pa rin siyang sumampa sa isang sulok sa sariling silid ng trono ni Solomon kung saan pagkatapos ay nagsikap siyang maghabi ng isang sapot upang mahuli ang mga langaw.
Maaari rin tayong maging matalino tulad ng gagamba. Maaari tayong makapagsalita nang buong tapang para kay Hesus saan man tayo magpunta. Maari rin tayong gumawa at magpatotoo kung nasaan man tayo. Maaaring masyado ka pang bata upang pumunta sa ibang bansa upang maging isang misyonero, ngunit maaari kang maging misyonero kung nasaan ka man ngayon. Maaari mong sabihin ang tungkol kay Hesus sa iyong paaralan, kapitbahay, at pamilya.
​
Nais mo bang maging matalino katulad ng mga nilalang na tinalakay ni Solomon? Kung gagawin mo, dapat mong tiyakin na si Hesus ang iyong tagapagligtas. Maaari mong gawin iyon sa pamamagitan ng…
Pag-amin na ikaw ay nagkasala at gumawa ng mga maling bagay,
Ang paniniwala na si Hesus ay namatay sa Krus upang mabayaran ang iyong mga kasalanan,
At ang pag-amin/pag-tawag/paghiling kay Hesus na pumasok sa iyong buhay at patawarin ka sa iyong kasalanan.
​
Pagkatapos, maaari kang maging matalino kapag nagsusumikap ka tulad ng langgam… magtiwala ka sa Diyos bilang iyong pinakamalakas na tagapagtanggol tulad ng KUNEHO… makipagtulungan sa iba tulad ng TIPAKLONG… at maging matapang tulad ng GAGAMBA.
​
Ang karunungan ay mula sa Diyos na marunong sa lahat. Lagi Niyang alam ang tamang bagay na dapat gawin at hindi Siya kailanman nagkakamali. Tutulungan ka Niya na makagawa din ng tamang pagpipilian! Hiniling mo ba sa Diyos na gawin kang matalino sa lahat ng iyong mga paraan? Sinabi ng Bibliya,
​
Kung ang sinuman sa inyo ay kulang ng karunungan, hilingin niya sa Diyos,
na nagbibigay sa lahat ng malaya at hindi nanunumbat;
ito ay ibibigay sa kanya. Santiago 1: 5
​
Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan:
at ang kaalaman ng banal ay pagkaunawa. Kawikaan 9:10
Mga Tala: Sa Santiago 1: 5, ang salitang "malaya" ay nangangahulugang bukas-palad; at ang "hindi nanunumbat" ay nangangahulugang hindi pagsalitaan sa paghingi.
Sa Kawikaan 9:10, ang salitang "takot" ay nangangahulugang igalang at respetuhin ang Diyos; hindi nangangahulugang matakot sa Kanya.